Picture
(from Anakbayan-UPLB)

Pinakamataas na pagpupugay ang ipinapaabot ng  ANAKBAYAN-Timog Katagalugan kay Armando “Ka Arman” Albarillo, dating coordinator ng Bayan Muna at Pangkalahatang Kalihim ng Bagong Alyansyang Makabayan – Timog Katagalugan (BAYAN-TK).

Si Ka Arman ay mula sa pamilya ng mga magsasaka sa San Teodoro, Oriental Mindoro. Nang maghasik ng lagim si Jovito Palparan sa kanilang lugar, naging biktima ng pampulitikang pamamaslang ang mga magulang ni Ka Arman sa bisa ng Oplan Bantay Laya ni Gloria Arroyo. Maging si Ka Arman at kanyang kapatid ay hindi naging ligtas sa pandarahas ng mga militar. Dahil sa matinding militarisasyon, napilitan silang lumikas ng Mindoro. Naging internal refugee si Ka Arman at kanyang pamilya sa sariling bayan. Naghanap siya ng hustisya para  sa kanyang mga magulang. At doon, nakasalamuha niya ang iba’t ibang organisasyon na nagpaliwanag sa kanya ng tunay na kalagayan ng lipunan. Higit pa, mas naging malawak ang kanyang mundo nang makasama at makasalamuha niya ang mga manggagawa, magsasaka, maralitang-lungsod, kabataan at iba pang sektor ng lipunan na, katulad niya, ay pinagkaitan ng mapayapa, marangal at masaganang buhay.

Sa kanyang patuloy na pagkilos, natutunan niya kung ano ang ugat ng kahirapan ng mga mamamayan. Naging mas malinaw sa kanya na ang pang-aapi at pagsasamantala ng mga naghaharing uri ay bunga ng bulok na sistemang panlipunang malapyudal at malakolonyal at patuloy na pangingibabaw ng imperyalismong Estados Unidos. Kasabay ng paghahanap niya ng hustisya para sa kanyang mga magulang, pinili niyang humanay sa mga inaapi at pinagsasamantalahang sektor ng lipunan upang kolektibong makibaka para sa kanilang mga lehitimo at demokratikong interes.

Taong 2008, siya at ang 71 pang biktima ng paglabag sa karapatang-pantao ay sinampahan ng gawa-gawang kaso tulad ng arson, multiple murder at multiple frustrated murder. Kabilang sila sa tinaguriang Southern Tagalog 72 (ST-72), kung saan sinampahan din ng gawa-gawang kaso ang isang lider kabataan na si PJ Santos (mula sa ANAKBAYAN-TK). Dahil dito, nakikita nating ang mga biktima ang sila pa ngayong pinalalabas ng estado na kriminal at salot sa lipunan. Samantala ang mga naghaharing uri, katulad ni Gloria Arroyo ay patuloy na namayagpag bilang pangulo ng bansa hanggang 2010. Dahil sa kaliwa’t kanang banta sa kanyang buhay, nagpasya si Ka Arman na maglow-profile.

Di kalaunan ay tuluyan na siyang sumapi sa Bagong Hukbong Bayan. Mahigit tatlong taon ding hindi narinig ang kanyang tinig sa mga lansangan. Lingid sa kaalaman ng lahat, siya ay patuloy na nag-organisa at naglingkod sa masang magsasaka sa kanayunan. Nasa kanya ag lahat ng dahilan upang mag-aramas. Batid niya na ang hustisya ay makakamtan lamang sa pamamagitan ng pagtangan ng armas.

Noong Hunyo 30, marami ang nabigla sa balitang si Ka Arman ay nasawi sa isang engkwentro sa San Narciso, Quezon. Ayon sa mga nakalap na balita, wasak ang kanyang katawan dahil sa tama ng bala. Wala na rin siyang braso nang makita ang kanyang mga labi. Hinayaan din ang kanyang walang buhay na katawan sa lupa, kasama ang sampu pa niyang mga kasamahan habang naarawan at naulanan sa isang buong maghapon at magdamag. Kahit sa kanyang kamatayan ay hindi pinalagpas ng mga militar ang pambubusabos sa kanyang katawan.

Nabuhay at namatay si Ka Arman nang buong-pusong naglilingkod sa sambayanan. Hindi matatawaran ang kanyang naging ambag sa pambansa-demokratikong adhikain ng mga mamamayan.      Isang inspirasyon ang naging buhay ni Ka Arman sa lahat ng mga kabataan. Nawala man ang kanyang pisikal na anyo, mananatili at tatanganan ng mga kabataan ang mga aral at ambag niya sa nagpapatuloy na laban ng mga mamamayan.

Dakila ka, Ka Arman!
Ang iyong simulain ay ipagpapatuloy ng sambayanan!

 
League of Filipino Students - UPLB
Official Statement on the Escalating Human Rights Violation in the Province of Quezon
May 14, 2012

Oppose US-Aquino's Oplan Bayanihan! Stop Militarization, Save the People of Quezon!

The League of Filipino Students-UPLB highly condemns the massive deployment of the Philippine Army in the province of Quezon that causes numerous human rights violations.

The province of Quezon is very rich in natural resources, both in agriculture and mineral deposits. It is no wonder why investors and big businessmen eye the lands of the province to gain huge profit. The Aquino administration uses the state and its power to uphold the interests of these ruling classes by deploying the Philippine military in the projected areas. The armies then are operating in the guise ofpeace and development; but their true nature lies in the spirit of suppressing people's uprisings and protests.

While this is not new for the rotten Philippine government, the recent deployment in Southern Quezon is indeed alarming because of the numerous battalions operating in a given area. 

"A case of abduction in Macalelon town in March 27, 2011 was already reported to Karapatan. Unidentified armed men allegedly took farmer Felix Balaston to the 85th Infantry Battalion's camp. He remains missing to date.

Just recently, last March 22, 2012, some drunk members of the 74th Infantry Battalion were reported to have manhandled some youth in San Andres town namely Rey Rodrigo (16 y/o), Reynaldo Delos Santos(18y/o) and Elmer Desuyo(21 y/o).

Other cases of threat, harassment, intimidation, illegal arrest and detention perpetrated against local farmers are also being verified by KARAPATAN-ST."[1]

Such cases are just among the multiple human rights violations caused by the Aquino administration and its counterinsurgency program, Oplan Bayanihan. The Aquino administration must face the reality that the Filipino people, in the end, will realize their legitimate rights and fight for it. Also, the reality that there is no insurgency happening; that there is indeed a civil war between the Government of the Republic of the Philippines and the National Democratic Front of the Philippines - two political formations fighting to seize the political power. But the truly nationalistic and patriotic should be aware that only one of these two upholds the democratic rights of the Filipino people.

It is in this light, we call on the Filipino youth to join and integrate among the ranks of the masses of farmers and workers as they uphold the national democratic struggle of the Filipino people; it is only then that a society with justice and genuine freedom is achieved. The streets may serve only as the arena for our diplomatic protests. But the countryside, where the youth can be really armed, serve as the true arena - the battlefield - where legitimate calls turn to legitimate and diplomatic rights.

Oppose US-Aquino's Oplan Bayanihan!

Stop Militarization, Save the People of Quezon!

---

[1] STOP MILITARIZATION, SAVE THE PEOPLE OF QUEZON! - KARAPATAN-SOUTHERN TAGALOG PRESS STATEMENT http://www.facebook.com/notes/karapatan-southern-tagalog/stop-militarization-save-the-people-of-quezon/289933094429974